Kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-atake kay BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua at mga kasama nito sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, nanawagan ang Pangulo na manatiling mahinahon at pairalin ang respeto sa karapatang pantao, lalo na sa buhay ng bawat Pilipino.

Iniutos din ni Marcos sa mga concerned government agency na paigtingin ang seguridad sa mga komunidad sa Bangsamoro region at magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon upang matukoy at mapanagot ang mga nasa likod ng pag-atake.

--Ads--

Sa kabila ng insidente, tiniyak ng Pangulo na makapipigil sa layunin ng pamahalaan na maisulong ang maayos na paglipat tungo sa demokratikong pamamahala sa Bangsamoro.

Samantala, nagsasagawa na ng manhunt operations ang militar at Phillippine National Police laban sa mga salarin ng sa gayon mapanagot ang mga ito sa batas.

Nakaalerto na rin sa ngayon ang militar sa Maguindanao kasunod ng pananambang kay Macacua.