Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagkakataon para sa mas matibay na relasyon sa kalakalan at pamumuhunan sa isang forum sa New Delhi.

Ito ang idiniin ng pangulo sa mga business leaders sa CEO Roundtable sa New Delhi sa sidelines ng kanyang State Visit, partikular sa mga sektor tulad ng ICT, semiconductors, imprastraktura, at malinis na enerhiya.

Sa kanyang mensahe, inatasan ng Pangulo ang DTI na manguna sa mga pagsisikap tungo sa isang Philippine-India Preferential Trade Agreement at makipagtulungan sa mga Indian counterparts upang tipunin ang joint working group sa kalakalan at pamumuhunan.

--Ads--

Dagdag pa rito ang malalim na makasaysayang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at India, na itinatampok ang kanilang estratehikong partnership, mutual commitment para sa isang libre at bukas na Indo-Pacific, at suporta para sa pagtataguyod ng internasyonal na batas.

Sa pulong, katuwang ng pangulo ang mga opisyal ng kumpanya ng imprastraktura ng India na GMR Group, na nagpahayag ng interes sa pagsuporta sa programang Build Better More ng gobyerno.

Partikular na tinitingnan ng GMR ang mga pamumuhunan sa mga proyekto sa paliparan at enerhiya, kabilang ang proyekto ng Sangley Airport.