DAGUPAN CITY – Inilabas ng tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang listahan ng mga payout center para sa educational assistance sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon sa naturang tanggapan ang pay-out centers sa probinsya ay ang sumusunod; para sa western at central Pangasinan gaganapin ang pay-out sa AVRC sa Bonuan Binloc sa lungsod ng Dagupan. Sa Eastern Pangasinan sa bayan ng Binalonan, gaganapin ito sa Ramon J. Guico Senior Sports and Civic Center sa barangay Poblacion. Habang sa bahagi naman ng Rosales, sa Gov. Robert B. Estrella Memorial Staduim.
Ang pamamahagi ay pangungunahan ng mga LGU at pangangasiwaan umano ng mga social worker ng DSWD.
Layunin ng naturang tanggapan na maiwasan ang anumang magulong linya mula sa pamamahagi noong nakaraang linggo.
Uunahin din umano ng ahensya ang mga nagparehistro online.