Dagupan City – Mga maliliit na mangingisda ang nagtatayo ng mga payao ngunit hindi naman sila ang nakikinabang.
Ito ang binigyang diin ni Pablo Rosales, National Chairperson ng Pangisda Pilipinas sa naging panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan hinggil sa umano’y pahayag ni Zambales 2nd district Representative Bing Maniquiz na dati’y maraming isda ang nahuhuli sa laot o malalim na bahagi ng West Philippine Sea ngunit ngayon ay nagtatiyaga na lamang ang mga mangingisda sa Zambales sa kakarampot na huling isda sa tabing-dapat.
Ayon kay Rosales, isa sa dahilan kung bakit kumokonti ang nahuhuling isda sa municipal water ay dahil sa mga overfishing kung saan ay mabilis ang ginagawang paghuli sa mga isda ngunit wala namang inilalagay na kapalit.
Nauna naman nang nilinaw nito na isa naman sa dahilan kung bakit kakarampot ang nahuhuli nila sa malalaking bahagi ng karagatan gaya ng West Philippine Sea, ay dahil sa kakulangan ng kagamitan ng mga mangingisdang Pilipino kung saan sa katunayan aniya ay nakukuha pang makisakay o magsilbing pasahero ng mga ito sa mga commmercial vessel upang makakuha lamang ng mga isda.
Samantala, kaugnay naman sa ulat kamakailan na huhuliin umano ng China Coast Guard ang mga “trespassing” sa karagatana, sinabi ni Rosales na katatwa lamang ito dahil malinaw na sila naman ang lumalabag sa sarili nilang patakaran