google image of Pacquiao and Thurman

Maaaring umabot ng isang milyon ang pay per view ng Pacquiao-Thurman fight na magaganap sa Hulyo 21 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Ito ang inihayag sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Professor Mortz Ortigoza, boxing analyst dito sa lalawigan ng Pangasinan. Isa kasi aniya sa elite welterweight si Keith Thurman at ito ang kanyang kauna-unahang pay-per-view fight kaya inaasahang kikita ang nasabing laban.

Inaabangan din aniya ng mga boxing fans na maknock-out ni Amerikanong boksingero ang 8-division world champion kaya maraming bibili ng pay per view. Aniya, nasa 55% ang pabor na ads kay Thurman habang 45% naman kay Pacquiao.

--Ads--
voice of Professor Mortz Ortigoza

Magugunitang noong Enero ay pinatumba ni Pacquiao si Adrien Broner habang noong Abril ay tinalo ni Thurman si Joselito Lopez sa pamamagitan ng majority desisyon.