Dagupan City – Naipagkaloob na sa mga benipisyaryo ng Tulong Pangkabuhayan para sa ating Disadvantaged/ Displaced Workers o TUPAD ang kanilang pay-out sa isinagawang paglilinis sa kanilang mga barangay sa bayan ng Infanta.

Ang bawat benepisyaryo ng naturang programa sa ilalim ng Department of Labor and Employment O Dole ay nakatanggap ng P4350 bilang kapalit ng kanilang mga serbisyo.

Mula naman sa barangay Batang at Nayom ang nakatanggap ng pinansyal kung saan ang pondo ay mula sa pondo ng Kabayan Party List.

--Ads--

Samnatala, pinangasiwaan naman ng alkalde ng bayan ang distribusyon katuwang ang miyembro ng kabayan partylist at iba pang opisyales na nagbahagi rin ng mensahe para sa mga benipisyaryo.

Ang TUPAD ay isang programang pang komunidad na nagsisilbing tulong sa pagbibigay ng pansamantalang trabaho para sa mga displaced na manggagawa, underemployed at seasonal na manggagawa, sa loob ng 10 araw. (Aira Chicano)