DAGUPAN CITY- Nangangambang makakaranas ng pagbaha sa bayan ng Basista kung hindi hihinto ang malakas na pag-ulan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Josephine Robillos, Basista MDRRM Officer/PALDRRMO President, may ilang bahagi sa bayan na nakitaan na ng water deposit o mga naipon na tubig ulan sa mga low-lying areas.
Gayunpaman, ‘below the knee’ ang ikatataas lamang nito, batay sa kanilang obserbasyon.
Inilapit na rin nila ito sa kanilang alkalde at sangguniang bayan council dahil ang naturang isyu ay may kaugnayan sa pagkabara ng daluyan ng tubig.
Samantala, nakahanda na ang kanilang pre-emptive evacuation ngunit hindi pa nila nakikitang kailangan ito isagawa.
Kaya sa kasalukuyan, patuloy silang nakaalerto at nagbabantay sa kanilang nasasakupan, lalo na sa mga malapit sa latis (swamp).