DAGUPAN CITY- Matagal na at patuloy pa rin ang pagbaba ng palitan ng piso kontra dolyar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Sonny Africa, Executive Director ng Ibon Foundation, aniya, maaaring ‘self-fulfilling’ lamang ng gobyerno ang sinasabi ng microeconomic managers na patuloy ang pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.
Taliwas umano ito sa datos na umaabot lamang sa P55 ang palitan ng piso kontra dolyar nang maupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. subalit umakyat na ito ng P59 sa kasalukuyan.
Isa aniya sa salik nito ay ang maaaring pagbaba ng produksyon ng bansa sa lakas-paggawa at pagbagal ng foreign investments.
Kabilang din ang pagbaba ng interest rates na natatanggap ng Pilipinas mula sa iba pang bansa.
Aniya, patunay ito na bumabagsak ang ekonomiya ng Pilipinas.
Kabilang pa sa magpapatunay ay ang pagbaba ng mga Pilipinong may trabaho, as of November 2025, at pagbawas sa Growth rate ng bansa.
Nakikita ng Ibon Foundation na ang long-term solution bilang magandang dollar earning strategy ay ang pagtuon ng gobyerno sa pagpapalakas ng lokal na produksyon at bawasan ang pag-aangkat.










