DAGUPAN CITY- Insulto para sa mga magsasaka ang epekto ng Rice Tarrification Law sa kanilang mga produkto dahil pagpapahirap lamang sa kanila ang dulot nito.
Ayon kay Johnny Jugo Paraan, Municipal Agriculturist ng San Fabian, bumababa ang presyo ng kanilang palay dahil nag-iimport ang gobyerno ng tuwing panahon ng kanilang pag-aani.
Aniya, dapat lamang mag-import ang gobyerno kung kinakailangan at hindi ito palagian.
Maliban pa riyan, minamanipula rin ng mga traders ang abono na kanilang kinakailangan.
Giit niya na dapat lamang itong tignan ng gobyerno at hindi lang umasa sa pag-import ng mga palay.
At kung patuloy sa ganitong gawain ang gobyerno, hindi na umano gaganda ang takbo ng bansa.
Hinihikayat naman ni Paraan ang mga kapwa magsasaka na hindi mawalan ng pag-asa at magkaroon ng aksyon ang gobyerno.
Umaasa naman siya na maglalabas din ng polisiya ang mga mambabatas na aayon sa lokal na agrikultura.