DAGUPAN CITY- Laging hindi sapat ang tubig o irigasyon ng mga magsasaka kung saan isa ito sa mga patuloy na nagiging hamon ng mga magsasaka lalo na sa oras ng taniman.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rodel Cabuyaban, isang magsasaka mula sa Guimba, Nueva Ecija, kanyang ibinahagi ang mga patuloy na hamon na kinahaharap ng mga magsasaka, lalo na sa usapin ng tubig at irigasyon.

Aniya, may mga panahon na nauuna nang makapagtanim at ani ang ibang lugar sa nasabing porbinsya tulad ng Talavera, ngunit dahil sa lokasyon ng kanilang bayan, na itunuturing na isa sa mga huling bayan ay nagkukulang ang mga patubig.

--Ads--

Pagdating naman aniya ng tag-ulan ay sabay-sabay na nabibigyan ng sapat na tubig ang mga sakahan.

Kailangan ring sumabay sa pagtatanim ng ilang mga bayan dahil maaari itong maging sanhi ng pagkalugi dahil sa huling makapag ani at makapag labas ng suplay ng mga tanim.

Isa rin sa mga nagiging dahilan ng pressure sa mga magsasaka ay ang presyo ng pagbili ng palay, lalo na sa patuloy nitong pagbaba.
Malaking hamon din ang pagkalugi kung saan kailangan nang isangla ng mga magsasaka ang ilan sa kanilang mga sakahan upang makabangion muli.