DAGUPAN CITY – Isang pasyente na idedeklara sanang Person Under Investigation na dinala sa Region I Medical Center dito sa lungsod ng Dagupan ang nasawi kagabi.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Provincial Health Officer Dra Anna Marie De Guzman, ang balikbayan na ito ay 68 anyos na babae na galing ng Amerika mula sa bayan ng Rosales.

Una itong dinala sa isang pribadong pagamutan sa lungsod ng Urdaneta ngunit nang malaman na mayroon itong travel history at nagpakita ng sintomas ng acute respiratory tract infection tulad ng ubo at sipon , pananakit ng dibdib at lagnat ay inilipat ito sa RIMC.

--Ads--

Wala pa umano itong 24 na oras sa RIMC nang bawian ito ng buhay .

Bago ito nasawi ay nakuhaan ito ng throat swab na isinasailalim na ngayon sa pagsusuri.

Na-icremate na rin ito kagabi sa kagustuhan na rin ng kaanak ng pasyente.

Sa ngayon ay nakipag-ugnayan na sila sa lokal na pamahalaan ng Rosales para sa isasagawang contact tracing sa lahat ng mga nakasalamuha ng biktima .

Pangasinan Provincial Health Officer- Dra Anna Marie De Guzman

Nilinaw naman nito na mananatiling PUI ang naturang biktima lalot hindi pa lumalabas ang resulta ng pagsusuring ginawa rito o kung itoy positibo sa Corona virus.

Pangasinan Provincial Health Officer- Dra Anna Marie De Guzman

Samantala dito sa lalawigan ng Pangasinan ay wala pa ring positibong kaso ng sakit habang nasa 24 naman ang Person Under Investigation .

12 sa mga ito ay nakalabas na ng pagamutan habang 12 naman ang nananatili sa ospital.

Nasa 43, 950 naman ang Person Under Monitoring kung saan 43, 218 ang patuloy na kinukumpleto ang 14 day quarantine habang 732 na ang nakakumpleto nito.