BOMBO DAGUPAN – Nagkansela ngayong araw ng pasok sa paaralan ang Sto. Tomas City sa Batangas dahil sa makapal na Volcanic smog mula sa bulkang Taal.

Ang mga paaralan na nagkansela ng klase ay ang mga sumusunod:

All Levels public at private- Nasugbu, Balete, Santo Tomas, Laurel at Tanauan.
Habang all-levels naman sa public schools ang bayan ng San Luis.

--Ads--

Pansamantalang gagamit muna ang nasabing mga paaralan ng modular o online distance learning.

Nananatiling nasa Alert Level 1 ang Taal Volcano kung saan ito ay nasa abnormal condition na maaring ito ay maging aktibo.

Samantala, pinayuhan ng lokal na pamahalaan ang publiko na magsuot ng face masks at manatili na lamang ang mga ito sa loob ng kanilang tahanan.