DAGUPAN CITY- Suspendido ang pasok sa mga paaralan sa ilang bayan at lungsod sa lalawigan ng Pangasinan ngayong Hulyo 4, 2025, dahil sa patuloy na nararanasang masamang panahon.

Ayon sa mga lokal na pamahalaan, kanselado ang klase sa lahat ng antas sa mga bayan ng Bani, Manaoag, Mapandan, Pozorrubio, Rosales, Umingan, at San Fabian, kapwa sa pampubliko at pribadong paaralan.

Sa Dagupan City, sinuspinde ang face-to-face classes mula Kindergarten hanggang Senior High School, kabilang ang Alternative Learning System (ALS), sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan.

--Ads--

Sa mga bayan naman ng Mangaldan at Sison, walang pasok mula pre-school hanggang Senior High School sa parehong pampubliko at pribadong paaralan.

Sa Calasiao, tanging mga pampublikong paaralan mula Kindergarten hanggang Senior High School ang suspendido ang klase.

Maaari namang magpatupad ng modular at distance learning ang ilang mga paaralan.