Tila isang ordinaryong araw lamang ang pasko sa bansang Kuwait kung saan natutulog lamang umano ang mga tao pagsapit ng nasabing pagdriwang.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marlyn Tabiola Bayona, Bombo International News Correspondent sa bansang Kuwait, hindi umano masyadong nagdiriwang ng pasko ang mga mamamayan ng nasabing bansa.

Aniya, tila isang normal na araw lamang na dumaraan ang nasabing pagdiriwang.

--Ads--

Dagdag niya, karamihan sa mga nagdiriwang ng kapaskuhan sa Kuwait ay ang mga Pilipinong naroon o mga Overseas Filipino Workers o OFWs.

Wala ring isinasagawang anomang aktibidad na may kinalaman sa pasko at hindi rin naglalagay ng dekorasyong pamasko ang mga tao roon.

Mayrong mga mangolan-ngilang mga gusaling naglalagay ng dekorasyon ngunit bilang lamang ang mga ito.


Aniya, may kaniya-kaniyang pamamaraan ang mga tao roon upang ipagdiwang ang pasko ng payapa.