Pangkaraniwang araw lang sa bansang Turkey ang pagdiriwang doon ng pasko.
Ayon kay Marivic Fernandez, Bombo International News Correspondent sa Turkey hindi sila nagseselebra ng pasko doon pero, ang mga OFw ay may kanya kanya silang paraan para maipagdiriwang ang pasko.
Nagoorganisa ang mga officers ng Filipino community sa nasabing bansa para sa gagawing aktibidad dahil nakasanayan na nila ang tradisyon sa bansa.
Nakaugalian parin nilang magluto ng mga nakasanayan na niluluto sa tuwing pasko.
Ang ginagawa nila ay nagluluto sila sa bahay at dinadala sa hotel kung saan nagkikita kita silang mga Pilipino.
Si Fernandez ay nakapangasawa ng Turkish gayunman ay sumasama sa kanya sa pagdirwang at sumasama sa pagtgitipon nilang mga Pilipino. Kumakain na rin umano siya ng pansit.
Samantala, may mangingilang Turkish naman ang naglalagay ng christmas decoration sa loob at labas ng bahay.









