DAGUPAN CITY- Isinusulong ngayon ng isang grupo ang panukala na naglalayong bigyang pansin at parusahn ang mga kandidatong gumagamit ng marahas na joke at ilan pang mga hindi kaaya-ayang remarks sa mga kababaihan bilang parte ng kanilang kampanya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay KJ Katesquista, Secretary General ng Gabriela Women’s Party, nakalulungkot ang paggamit ng kababaihan para sa kampanya at lubos na nakakabahala ang paggamit ng kababaihan bilang biro o “joke”.
Aniya, mahalaga ang kahalagahan ng paggalang at pagtingin sa kababaihan sa panahon ng kampanya.
Binanggit din niya na kahit aware ang mga mamamayan sa mga isyung panlipunan, ito pa rin ay ginagawang biro ng mga kandidato, na nagsisilbing pagpapakita ng kawalan ng paggalang sa karapatan ng kababaihan.
Kasabay nito, hinikayat ni Katesquista ang mga botante na maging maingat sa kanilang mga pinipiling kandidato.
Kabilang sa mga panukalang batas na ipinanukala ni Katesquista ang “Bawal Bastos Election Bill,” na maglalatag ng mga mahigpit na parusa laban sa mga gumagamit ng kababaihan at LGBT bilang panakip o pampatibong sa kanilang mga kampanya.