Dagupan City – Hindi katanggap-tanggap ang ginawang Parliamentary Courtesy sa budget ng Office of the President para sa 2025.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, sinabi nito na ang ideya ng parliamentary courtesy ay mali at hindi naaayon sa batas, sa kongreso o senado at house of representatives.

Aniya may katungkulan ang mambabatas pagdating sa budget, sa ilalim ng saligang batas kung saan ay kinakailangan nilang busisiin ang lahat ng mga proposed budget kahit saan mang hanay, ahensya, at departamento.

--Ads--

Kung kaya’t malaking katanungan aniya ang nangyaring parang kidlat o hindi man lang umabot ng 10 minuto ang ginawang pag-apruba ng Senate Finance Subcommittee sa panukalang P10.5 bilyon budget ng Office of the President para sa 2025.

Lumalabas aniya sa ipinakita ng mga ito na hindi ipinakita ng mga mambabatas ang kanilang tungkulin o ang posibilidad na may kinakampihan ang mga ito.

Muli niyang tinawag na “very unconstitutional” ang pangyayari dahil sa lumalabas na hindi pantay ang allocation budget kung ikukumpara sa nangyari sa bise presidente.