DAGUPAN CITY- Isinagawa ang isang mahalagang Parent-Teacher Association (PTA) meeting sa Mangaldan National High School (MNHS) kamakailan, kaugnay ng mga nalalapit na closing ceremonies ng paaralan sa buwan ng Abril.

Tinalakay ng isang opisyal ng paaralan ang mga detalye ng programa na nakatakda para sa mga closing exercises. Kabilang dito ang Recognition Day sa Abril 11, ang Junior High School Completion Ceremony sa Abril 14, at ang Senior High School Graduation Ceremony sa Abril 15.

Pinag-usapan din sa pulong ang mga paghahanda at proseso upang matiyak ang maayos na daloy ng mga nasabing seremonya, upang magbigay-galang sa mga mag-aaral na magtatapos.

--Ads--

‎Sinabi naman ng principal ng paaralan na mahigpit nilang susundin ang mga patakaran ng Department of Education (DepEd), kabilang na ang “no collection policy” para sa mga gaganaping closing exercises upang maiwasan ang anumang abala sa mga magulang at guro.