DAGUPAN CITY–Mistulang gawa-gawa nalamang ang mga papuring survey para kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Atty. Virginia Lacsa-Suarez, Secretary General ng grupong Kilusan para sa Pambansang Demokrasya, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, maituturing aniya na itoy gawa gawa lamang dahil wala naman itong material o factual basis at ang paglalabas nito ay intentional para lang pagandahin muli ang imahe ng gobyerno dahil sa mga pangit nitong nagawa lalo na nitong mga nakaraang araw lang.

Giit ni Suarez, kaya nitong tignan ang mga magagandang nagawa at ginagawa ng ating Pangulo tulad na lamang ng pagkakaroon ng libreng transportasyon sa mga estudyante, at libreng tuition fees sa ilang unibersidad at hindi aniya nila sinasabi ang kanilang sentimiyento dahil sa ayaw nila o kontra sila sa kasalukuyang administrasyon.

--Ads--

Bakit hindi aniya nila aayawan ang isang Presidente na hindi man lang magawang ipagtanggol ang kanyang mga mangingisda, ang ating sariling Exclusive Economic Zone o EEZ, gobyerno na halos ipamigay na lang ang trabaho sa mga banyaga at ipamudmod sa mga dayuhan ang ating karagatan, at administrasyon na hanggang ngayon ay hindi pa rin nalulutas ang problema ng mga magsasaka at iba pang manggagawa.