BOMBO DAGUPAN – Mahalaga na linawin ang papel ng bayaning si Andres Bonifacio sa kasaysayan.

Ayon kay Michael Charleston ” Xiao” Chua, isang Historian, hindi lang katapangan kundi tinuruan tayo ni Bonifacio na umibig sa bayan.

Para kay Chua, napakalaki ang papel si Bonifacio upang mulatin ang mga Pilipino gamit ang wikang Tagalog.

--Ads--

Alam daw kasi ni Bonifacio ang katuturan o kahalagahan ng kultura para maudyok ang mga tao na ialay ang sarili at maghimagsik.

Hindi man kinilala na unang presidente ng bansa, sa panahon ni Bonifacio tumakbo ang kanyang pamahalaann mapaghimagsik na tinawag siyang “Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan” kung saan ay nag appoint siya ng mga fiscal at heneral sa pagsisimula ng rebolusyon.

Payo niya sa mga kabataan na magbasa sa naging buhay ng nasabing bayani para malaman ang kanyang mga nagawa at mga makukuhang aral.

Bilang historian, hindi umano marapat na pinagsasabong ang mga bayani ng bansa.

Binigyang diin niya na lahat ng bayani ay pare parehong national hero kaya hindi dapat mamimili ng bayani.