DAGUPAN CITY- Malaki ang magiging epekto sa education system ng bansa kung papalit-palit na pamunuan at programa sa DepEd dahil sa pagbaba ng mastery ng mga guro sa kanilang itinuturo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Arlene James Pagaduan, Pangulo ng Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers (ASSERT) Central Luzon, kahit maganda ang ilang programa, kadalasang binabago o itinatabi ito kapag hindi ito nakapangalan sa bagong pamunuan.
Inalala rin niya ang panahon ng pagpapatupad ng K to 12 curriculum, kung saan hindi agad naniwala ang ilan sa mga pangakong may sapat na trabaho para sa mga senior high school graduates.
Sa kabila ng mga pagbabagong ito, iginiit ni Pagaduan na higit na kailangang pagtuunan ng pansin ang pagpapalakas ng basic education, upang masiguro ang kalidad ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Kasama rin sa kanilang panawagan ang agarang pagsasaayos ng salary grade ng mga guro, bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa lipunan.