DAGUPAN CITY- Full-force ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) sa nalalapit na holy week.
Ayon kay Vincent Chiu, ang Operations Supervisor ng nasabing tanggapan, sa mga susunod na araw ay magtataas na sila ng Blue Alert Status upang mas patibayin pa ang rescue team ng bawat bayan.
Aniya, nakakapagtala na sila ng pagdagsa ng mga turista, partikular na sa mga bumibisita sa karagatan. Gayunpaman, mas mababa pa ito kumpara sa nakaraang taon.
Kaniyang tiniyak na buong nakahanda ang bawat Local Government Unit (LGU), lalo na sa nasabing lugar.
Magdadag pa sila ng mga tuahan upang matiyak ang buong kaligtasan at seguridad ng mga bibisita.
Kanila rin iminumungkahi sa bawat bayan na maglaan na lamang ng isang lugar na maaaring pagliguan ng publiko.
Nagpaalala naman si Chiu sa publiko na manatili na lamang sa sariling kabahayanan kung wala naman nakatakdang lakad. Ito na rin ay bilang pagproteksyon sa sarili mula sa aasahan pang pagtaas ng heat-index sa lalawigan.
Sa kabilang dako, wala pang naitatala ang kanilang tanggapan ng mga kaso ng jellyfish sting sa lalawigan.
Subalit, nagpaalala si Chiu na kung mayron man makaranas nito ay dalhin ito agad sa malapit na pagamutan upang maagapan agad.