Kinuwestyun ni Pangasinan Vice Govenor Mark Lambino ang panukala ng isang board na gawin nang covid dedicated hospital ang Region I Medical center.
Ayon kay Lambino, hindi aniya kasimple na disisyunan ng DOH o RIMC dahil ang nasabing opistal ay nasa ilalim ng Kagawaran ng Kalusugan.
Sa sandaling ginawang exclusive na covid referral hospital ang RIMC ay obligado na tatanggap lang ng covid cases at wala ng aasahang serbisyo ang ibang pasyente kaya mapiplitan na pumunta sa mga ibang ospital.
Sa ngayon tanging inaadmit sa RIMC ay mga pasyenteng may schedule for operation o may critical na kaso o may covid.
Ang mga outpatient o walk in ay hindi na puwedeng pumasok sa ospital
Samantala, sa usapin naman ng SRA ng mga health workers, binigyang linaw ng bise gobenador na inaayos na ang proseso para maibigay ang risk allowance ng mga health workers.
Giit niya na nakaprepara na ang pondo para ipamahagi sa mga kuwalipikado na health workers o frontliners.