BOMBO DAGUPAN – Kamakailan lamang ay naghain si Senator Robin Padilla ng panukalang batas na magpapataw ng parusang kamatayan para sa mga mapapatunayang “guilty” sa kasong grave rape.

Ayon kay Atty. Francis Dominick Abril Legal/ Political consultant na may karapatan ang Senador na maghain ng ganitong measure subalit kung nais niyang buhayin ang ganitong parusa ay kailangan niya munang patunayan ang gagamitin na paraan.

Kung ito ba ay makatao o kung sadyang malupit naman ay mariing ipinagbabawal ito sa saligang batas.

--Ads--

Subalit kung ito ay sa pamamagitan naman ng lethal injection aniya ay maaari, ngunit baka hindi parin ito lulusot sa botohan sa senado.

Kaugnay nito ang parusa sa kasalukuyan sa kasong panggagahasa sa ating bansa ay reclusion perpetua o life imprisonment.

Subalit may mga nakakapagpababa naman ng penalty gaya na lamang kung inako agad ng akusado ang krimeng ginawa upang bumaba ng isang lebel ang kanyang parusa. Maaari din na ito ay batay sa bilang kung ilang beses ito ginawa o kaanak ba o hindi ng biktima ang suspek.

Samantala, binigyang diin naman nito na mapalalaki man o babae, anuman ang gender preference ng isang tao basta pasok sa depinisyon ng panggagahasa ang ginawa ay maaari itong ireklamo dahil wala namang pinipili ang batas.

Gayundin sa mga mag-asawa kahit kasal pa ang mga ito kung hindi pumayag na makipagtalik ang isa ay huwag pilitin dahil maituturing parin itong rape.

Nagpaalala na lamang si Atty. Abril sa mga biktima ng panggagahasa na tatagan ang kanilang loob bagamat ay mahirap ang lumabas at magreport subalit pagbabahagi niya na tutulongan sila ng kanilang abogado para makamit ang hustisya.