BOMBO DAGUPAN – Malaki umano ang tyansa na maaprubahan ang panukalang absolute divorce bill kung saan ay natapos na itong aprubahan sa House of Representatives.

Ani Atty. Joey Tamayo, Dura Lex Sedlex Co-Anchor sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kanya ay kinakailangan munang dumaan sa senado ng nasabing panukala at matapos maaprubahan ay dadaan din ito sa opisina ng Presidente bago ito maging isang ganap na batas sa bansa.

Ang absolute divorce nga ay magiging ganap lamang kapag dumaan muna sa hukuman ang dalawang panig at kapag nagrant ito matapos ang isang demandahan ay magiging terminated o masasawalang bisa ang kontrata ng kasal.

--Ads--

Samantala, ang limited divorce naman ay kasal parin ang dalawang mag-asawa subalit maaari na silang manirahan sa ibang lugar gaya na lamang ng magkaibang bahay ngunit ang kontrata ay nandoon parin.

Ilan nga sa mga grounds na maaaring gamitin sa pagpa-file ng divorce ay psychological incapacity, irreconcilable differences, physical violence, abusive conduct at marami pang iba.

Aniya na ang mga nasabing grounds for legal separation ay maari ngang gamitin para kitilin ang kontrata ng kasalan. Subalit kapag naisampa na ang kaso ay uutusan muna ang dalawang panig na magcool down o magpalamig muna ng 60 days o tinatayang dalawang buwan, dahil titingnan o susuriin muna ng hukuman kung maaari pang magkabalikan ang dalawang mag-asawa bago ituloy ang kaso.

Dagdag pa ni Atty. Tamayo na isa itong napakagandang panukala para sa mga matagal ng naghihintay, umiiyak at inaabuso na magkaroon ng ganitong batas sa bansa.