DAGUPAN CITY- Pabor at malaking tulong umano para sa mga magulang at mag-aaral ang panukalang pagpapaigsi ng 3 taon sa kolehiyo.
Layunin ng hakbang na ito na mapabilis ang pagpasok ng mga kabataan sa trabaho at makatulong sa pagaan ng gastusin ng mga pamilyang Pinoy pagdating sa edukasyon.
Ayon kay Benjie Edgar, magulang ng limang anak, dahil lahat sila ay undergraduate ng college dahil sa hirap ng buhay.
Aniya, tanging pagbebenta lang ng mga prutas ang pinagkakakitaan nito kaya’t hirap siyang magprovide ng pagpapapaaral sa mga anak.
Gayunpaman, kung maisakatuparan ang batas ay posibleng makabalik ang kaniyang mga anak sa pag-aaral.
Malaking bagay rin ito para sa isang Grade 11 Student na si John Natividad dahil sa nadagdagan ng dalawang taon ang kaniyang pag-aaral sa High School dulot ng K12 program.
Dagdag niya na malaki ang mababawas nito sa gastusin ng mga magulang maging ang mga working student dahil tatlong taon nalang ang kamilang gugugulin sa kolehiyo sakaling maisakatuparan ito.