Maraming Overseas Filipino Workers o OFW at Dutch citizen sa The Netherlands ang sumusuporta pa rin kay dating pangulong Rodrigo Roa Duterte na nahaharap sa kaso sa International Criminal Court (ICC).

Sa panayam ang Bombo Radyo Dagupan kay Jerome H. Divino, Bombo International News Correspondent sa The Netherlands at siya ring lider ng Pilipino Community of Saba Dutch, isang samahan ng mga OFW, Permanent resident at Dutch citizen na mga pilipino, naniniwala siya na mas mainam na dinala ang dating pangulo sa The Hague upang international court na ang magdisisyon sa kaugnay sa kasong kinakaharap nito.

Umaasa naman siya na makakamit nito ang pantay na paglilitis sa kaso ng dating pangulo.

--Ads--

Gayundin inaaasahan din niyangmakakamit ang hustisya ng mga biktima na humihingi ng hustisya.

Batid naman aniya na nakahanda ang dating pangulo na harapin ang kinahinatnan ng kanyang disisyon.