Farmers in North of Manila were looking forward to a good harvest this year . Pangasinan is the country’s third biggest rice producer, next to Nueva Ecija and Isabela provinces. But Farmers here was worried Price of palay.Photos by Mau Victa/Rappler

DAGUPAN CITY- Hindi nakikita ng Bantay Bigas ang epektibong aksyon ng gobyerno upang matulungan ang mga magsasaka sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cathy Estavillo, Spokesperson ng nasabing grupo, walang nagawang magandang epekto ang pansamantalang paghinto ng importasyon ng bigas dahil patuloy pa rin ang mababang presyo ng palay sa bansa.

Aniya, hindi ito buong nakatutulong sa lokal na industriya dahil umaabot pa rin sa P8 ang presyo ng palay sa ilang mga lugar, tulad ng Laguna.

--Ads--

Hindi na ito ikinatataka pa ni Estavillo dahil aniya, wala naman konkretong aksyon ang gobyerno para tugunan ito.

Bukod pa riyan, patuloy pa rin naman ang pagdating ng mga imported na bigas at sa katunayan aniya, may halos 400K Metric Tons na dumating sa bansa noong mga nagdaang buwan.

Hindi rin aniya bago ang paglipana ng mga pekeng import permit.

Giit pa niya, sa ilalim ng Republic Act 11203 o Rice Tariffication Law ay patuloy din ang mga illegal smuggling at cartel dahil ito ay nasa sistema na.

Aniya, magagawa naman ng Department of Agriculture (DA) na mahuli ang mga ito subalit, mayroon nagtatakip sa mga ito.

Dahilan ito upang hanggang sa ngayon ay walang mapanagot na malalaking tao ang gobyerno.