BOMBO DAGUPAN – Kabilang ang Panpacific University (PUNP) dito sa lalawigan ng Pangasinan sa 16 na Higher Education Institutions sa Rehiyon 1 na kasama sa World University Rankings for Innovation o (WURI).

Ito ay matapos matagumpay nilang naisagawa ang paglulunsad ng kanilang Internationalization at Sustainable Development Goal Corners, kasunod ng pagpapakilala ng kanilang mga International Ranking Markers.

Kaugnay nito ay ipinagmalaking pinakilala ang nasa 16 na International Ranking Markers, mula sa QS Stars na mayroon 2, World University Rankings for Innovation (WURI) na mayroong 6, Times Higher Education Impact Ranking na mayroong 7 at sa UI Green Metrics na mayroon namang 1.

--Ads--

Ayon kay Dagupan kay Donna T. Padilla-Taguiba, New President ng Panpacific University na malaki ang papel na ginagampanan ng mga markers at programa sa internationalization. Marahil ito ang hinahanap ng mga employer sa mga unibersidad na siya namang batayan para makuha ang isang empleyado dahil ito kayang makipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon.

Samantala, ayon naman kay Engelbert Pasag, Vice President for Internationalization na ginawa nilang branding ang Internationalization Program upang maabot ang ganitong karangalan sa kanilang unibersidad gayundin upang matulungan ang iba pang unibersidad sa bansa na makamit din ang ganitong marka.

Habang pagbabahagi naman ni Christine N. Ferrer, Regional Director ng CHED Rehiyon 1 na pinaka-unang nakapasok na private institution ang PUNP sa buong Rehiyon Uno sa QS Stars kaya’t siya ay labis na natutuwa sa tagumpay na ito ng nasabing unibersidad.

Kaugnay nito ay nagpaabot naman ng pagbati si First Lady, Maan Tuazon-Guico dahil malaki aniya ang nai-aambag at naitutulong ng kanilang mga programa at standardization hindi lamang sa mga estudyanteng nag-aaral sa lungsod ng Urdaneta kundi sa buong lalawigan ng Pangasinan upang mas mapaunlad pa ang sektor ng edukasyon.