Mga kabombo! Nakakita ka na ba ng super high-tech na cr?
Aba! Tila pinamangha kasi ng public toilet sa bansang China ang netizens sa kanilang installed CR public cr!
Paano ba naman kasi, upang makakuha ng toilet paper sa ilang public toilet, kailangan munang manood ng maiikling advertisement ang mga tao.
Tinatawag itong “smart toilet paper dispenser” na nag-oobligang gawin ito ng mga gumagamit.
Ayon sa ulat, ang sistemang ito ang pinakabagong hakbang ng China upang maiwasan ang pag-aaksaya ng toilet paper sa mga pampublikong lugar.
Noong 2017, ipinakilala ang mga dispenser na may “facial scanner” na nagbibigay lamang ng 60-centimeter na toilet paper bawat siyam na minuto.
Hanggang taong 2019 naman, gumamit ng AI technology upang magbigay ng toilet paper tuwing 10 minuto sa bawat gumagamit.
Sa kasalukuyang sistema, ang isang user ay kailangan lamang mag-scan ng QR code gamit ang kanilang telepono at manood ng isang advertisement upang makakuha ng isang strip ng toilet paper.
Take note! Mayroon ding option na magbayad ng 0.5 yuan para sa bawat strip.
Bagama’t layunin nito ang bawasan ang pag-aaksaya ng toilet paper, nagdudulot ito ng mga tanong: Gaya na lamang ng paano kung kailangan mong gumamit ng banyo ngunit low battery ang cell phone?