DAGUPAN, CITY— Pinaghahandaan ng Pangasinan Provincial Health Office ang mga panibagong strains ng COVID-19 pandemic.

Ito ay matapos limang pang bagong variants ng nabanggit na sakit ang mahigpit na binabantayan sa iba pang panig ng mundo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Ana Marie De Guzman, provincial health officer ng Pangasinan, kanyang ibinahagi na nagbigay na ng direktiba ang kanilang tanggapan sa 14 na mga hospital sa lalawigan sa pamamagitan ng memorandum upang mas pag-igtingin nila ang pagbabantay sa mga nagpapakita ng sintomas ng respiratory tract infection.

--Ads--
TINIG NI DR. ANA MARIE DE GUZMAN, PROVINCIAL HEALTH OFFICER NG PANGASINAN

Lalo na umano kung sila ay nakasalamuha ng mga galing sa ibang bansa o may travel history mula sa mga bansa na nagtala na ng kaso ng bagong strains ng naturang sakit.

Sa ngayon ay wala pa umanong abiso ang Department of Health (DOH) na mayroon nang kaso ng mga nabanggit na variants ng COVID-19 sa Pilipinas.