BOMBO DAGUPAN– Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbabalik ng school calendar ng bansa sa tradisyonal na kaayusan bilang pagtugon nito sa mga pampublikong alalahanin sa schedule ng mga klase.
Magbubukas ang panibagong school year ng 2024-2025 sa July 29 ngayon taon at magtatapos sa April 15, 2025.
Nagsagawa ng sectoral meeting ang punong ehetukibo kasama si Vice President Sara Duterte sa Malacañang Palace upang pag usapan ang pagbabalik ng standard school calendar para sa darating na panibagong school year.
Kabilang sa tinalakay ang 167-day school calendar ngunit ayon sa pangulo, masyado itong maikli at maaaring makumpromisa lamang ang learning outcomes.
Hindi rin sinang ayunan ni Marcos ang pagpasok ng mga estudyante sa eskwelahan tuwing sabado makumpleto lamang ang 182-day school calendar.
Bilang mabigyan ng solusyon, dapat aniyang maadjust ang pagtatapos sa April 25, 2025 kaysa March 31, 2025 upang makumpleto ang 182-days nang hindi pumapasok tuwing sabado.