DAGUPAN CITY – “Mas magiging victim sensitive at victim friendly.”

Yan ang ibinahagi ni Francis Dominick P. Abril Legal / Political Consultant kaugnay sa panibagong ruling ng Korte Suprema na ang mga biktima ng panggagahasa ay hindi na kinakailangan na patunayan ang paglaban kung ang krimen ay ginawa sa pamamagitan ng puwersa, pagbabanta, o pananakot.

Aniya na ito ay makatotohanang desisyon at mapapalitan na ang dating doktrina na kailangan ay mayroong pagtanggi o pagpupumiglas mula sa biktima.

--Ads--

Dapat lamang na huwag ng dugtungan ang paghihirap ng mga biktima at basta may sapat na ebidensiya ay i-sustain ang conviction.

Saad ni Abril na ang magiging benepisyo nito ay hindi na magsasuffer pa ang biktima at hindi na magiging traumatic sa kanila kapag irerecall sa korte ang kanilang pinagdaanan.

Samantala, hindi naman magbabago aniya ang time-frame at naroon parin ang due process gayong magiging pabor ito sa biktima ay hindi parin pagkakaitan ng karapatan ang akusado.

Mensahe naman nito sa mga biktima na nakikisimpatiya ito sa kanilang pinagdaanan at hinihikayat niya ang mga ito na ifile nila ang kaso upang maibahagi ang kanilang pinagdaanan na siya namang magbibigay ng lakas ng loob sa iba na may parehong karanasan upang magkaroon ng hustisya.

Dahil kung hindi sila magkakaroon ng lakas ng loob ay walang makukulong at ipagpapatuloy parin ng perpetrators ang kanilang ginagawa.