Muling nakapagtala ng pagkasawi ng isang Person Under Investigation dito sa lalawigan ng Pangasinan na dinala sa Region I Medical Center.

Ngayong araw , March 26 nang masawi ang unang kaso ng Person Under Investigation (PUI) sa bayan ng Bani
na isang 25 taong gulang na nagmula sa Brgy. Ranao.

Ang biktima ay mayroon umanong travel history sa Tondo, Manila.

--Ads--

Sa ngayon ay hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri kung ang kanyang ikinamatay ay dahil sa COVID-19 at kasalukuyan nang nagsasagawa ng contact tracing ang lokal na pamahalaan ng Bani sa mga nakasalamuha ng biktima.

Pinapayuhan naman ng LGU Bani ang lahat ng mga nakasalamuha nito na striktong sumunod sa self-quarantine procedure.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para mapigilan ang pagkalat ng sakit sa kanilang lugar.