Sumirit ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa ngayong Martes, Setyembre 8, kung saan mahigit P5 kada litro ang itinaas ng diesel habang mahigit P4 kada litro naman ang dagdag sa presyo ng gasolina.

Ayon sa Department of Energy (DOE), ito ang naging taas-presyo sa mga produktong petrolyo:

Diesel: P5.18 kada litro

Gasolina: P4.69 kada litro

Kerosene: P5.58 kada litro

Patuloy na nakaaapekto sa presyo ng langis ang tensiyon sa Middle East, kasabay ng paghina ng piso laban sa dolyar.

Patuloy rin umanong kinokontrol ng Iran ang mahalagang Strait of Hormuz, isang pangunahing rutang dinaraanan ng pandaigdigang suplay ng langis, habang ipinagpapatuloy naman ng Washington ang counter-blockade nito sa mga daungan ng Iran.