DAGUPAN CITY- Mga kabombo! Asahan na ng mga motorista ang panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo matapos ang dalawang linggong magkasunod na rollbacks.
Ipapatupad bukas, July 15, ng Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corps ang pagtaas ng gasolina ng P0.70 kada litro.
Ang Diesel naman ay tataas ng P1.40 kada litro at ang Kerosene naman ay P0.80 kada litro.
--Ads--
Parehong pagtaas din ang ipapatupad ng Cleanfuel at Petro Gazz Ventures Philippines Corp. maliban lamang sa kerosene na hindi nila produkto.