BOMBO DAGUPAN – Nagkakaroon na ng pag uusap o panibagong hostage deal ang Israel at Hamas pero walang napagkakasunduan.
Ayon kay Lovella Peronilla, Bombo International News Correspondent sa Israel, hindi sila nagkakasundo sa gusto ng magkabilang panig.
May hinihingi umano ang Hamas na hindi kayang ibigay ng Israel tulad ng kahilingan na magwithdraw ang IDF sa Gaza.
Mabigat para sa Israel na magpakawala ng preso pere nagkakasundo naman sila sa bagay na ito.
Si Peronilla ay nakabase siya sa central part ng Israel, bagamat may mga rockets mula sa Gaza ay hindi naman nakakarating sa kanilang lugar.
Gayunman, sinabi ni Peronilla na may abiso na ang Philippine Embassy kung ano ang gagawin ng mga Overseas Filipino workers kung sakali na lumala ang ang conflict ng Israel Lebanon at Iran.
Sakali aniya na mag alert level 3 sa lugar ay handa naman silang umalis at bumalik sa bansa. Binigay na rin aniya sa kanyang kamag- anak ang number ng embassy at number ng mga alaga niya sakali na hindi siya makontak, ngunit malayo na ito ay mangyari ang sinasabing alert level 3.