DAGUPAN CITY- Maaari umanong isang ‘business tactic’ ni US President Donald Trump ang muling pag-extend at pag-‘hold’ sa deadline ng pakikipagnegosasyon ng mga bansang kaniyang pinatawan ng taripa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marissa Pascual, Bombo International News Correspondent sa USA, extended na sa August 1 ang naturang deadline upang lalo pang isulong ng mga bansa na lumapit kay Trump para makipagnegsasyon.

Aniya, naunang nakatakda ngayon araw, July 9, ang nasabing deadline subalit, nilagdaan naman ni Trump ang isang executive order na palawigin pa ito sa unang araw ng Agosto.

--Ads--

Ang nasabing taripa ay ipinataw ni Trump matapos nitong makita na amy mga ilang bansa na nagbabayad ng mababang buwis sa kanilang bansa na hindi nakatutulong sa kanilang ekonomiya.

Nakikita naman ni Pascual na sa likod na pambabatikos sa mga desisyon ni Trump, isa itong uri ng pagsasaayos o pag-remodel ng kanilang bansa upang mas mapabuti pa ang kanilang ekonomiya.

Matapos kase ang Covid-19 pandemic ay tumaas din ang bilihin sa Estados Unidos na nagpahirap din sa mga Amerikano.