Dagupan City – Naitala ang panibagong dagdag sa singil sa kuryente ngayong Hulyo dahil sa mas mataas na generation charges.
Ito ang inilabas na ulat ng Manila Electric Company (Meralco), tataas ang singil sa kuryente ng P2.1496 per kilowatt-hour (kWh) ngayong buwan.
Katumbas sa naging pagtaas na ito ang P430 para sa residential customers na kumokonsumo ng 200 kWh.
Ayon sa Meralco, ang generation charges na naitala ay tumaas ngayong Hulyo ng P2.0021 per kWh dahil ang Wholesale Electricity Spot Market (WESM) charges ay nanumbalik na sa normal levels.
Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Hunyo ay ipinag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang suspensiyon ng WESM sa Luzon at Visayas nang ang major power grids sa mga lugar ay isailalim sa red alert, pagkatapos ay inaprubahan ang staggered payment ng WESM purchases ng power distributors.