Tuluyan nang nakapasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang Tropical Storm na may international name na ”Haishen” at may local name na ”Josie.”
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong humigit-kumulang 1,090 kilometro silangan ng Eastern Visayas.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 80 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong pa-hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) hindi inaasahang magtatagal ang bagyo sa loob ng PAR dahil posibleng lumabas din ito agad at humina ulit sa isang Low Pressure Area.
Hindi rin ito makikitang makakaapekto sa lagay ng panahon sa bansa.| Via Bombo John Florez




