Panibagong 20 mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Riyadh, Saudi Arabia ang dinapuan ng nakamamatay na virus na COVID-19.

Ito ang nabatid sa pag-uulat ni Bombo International Correspondent Lawrence Valmonte, sa Bombo Radyo Dagupan.

Aniya ang mga ito ngayon ay nananawagan ng tulong mula sa embahada ng Pilipinas o sa POLO o maging sa OWWA upang matulungan sila.

--Ads--

Sinasabing nagkahawaan ang mga ito mula sa limang naunang kaso dahil nasa iisang villa o accomodation lamang sila isinailalim sa quarantine.

Dagdag pa ni Valmonte, pinangangambahan ngayon ng naturang mga OFWs na mawalan ng trabaho kasunod narin ng banta ng kanilang mga amo na termination dahil sa pagkakahawa nila ng sakit.

Sa ngayon ang mga OFW ay nakararanas ng pangunahing flu-like symptoms ng COVID-19.

Sa kasalukuyan aniya ay nilalabanan ng mga OFWs ang kanilang nararanasang sakit ng walang sapat na medikal na atensyon na natatanggap.