“Nagdisisyon na ang taumbayan.” Ito ang pahayag ni Art Valenzuela, isang political analyst kaugnay sa pangunguna sa survey ni dating senador Bongbong Marcos hanggang sa pinakahuling survey.
Ang hindi na paggalaw ng mga numero ay nangangahulugan na matigas na ang disisyon ng mga tao.
Sa kanyang pagtaya, ang 56 percent na nakuha ni BBM ay nangangahulugan na makakakuha na siya ng 30.8 million votes habang si VP Leni Robredo ay makakakuha ng 12.6million.
Tinatayang nasa 18,150,000 votes ang diprensya.
Aniya psychologically good ito para kay BBM, dahil ang 56 percent na nakuha niya ay madadagdagan dahil sa endorsement ng Iglesia ni Cristo.
Gayundin aniya ang mangyayari sa kampo VP Leni na nakakuha ng endorsement ng ibat ibang sector.
Matatandaan na si BBM ay nangunguna pa rin sa survey na umabot sa 56% samantala, si VP Leni naman ay pumapangalawa na may 23%, isang porsiyento ang nalagas sa nakuha niya noong buwan ng Marso na may 24%.
Tinuran pa niya na sa kampanyang ito, nawala na ang silent majority at ang meron ngayon ay vocal majority base sa mga naglalabasang survey.