BOMBO DAGUPAN – Maitututuring na landmark decision ng US o makasaysayan sa Amerika ang pananatiling pangunguna ng democrats sa senate sa midterm election .
Ayon kay Gabriel Ortigoza, bombo International news correspondent o BINC sa California USA , ito ay matapos makuha ang bilang na 50 at sa kasalukuyan ay nangunguna din ang democrat candidate sa Georgia kaya nadagdagan pa aniya ng isa pa.
Paliwanag ni Ortigoza na nangangahulugan lamang ito na maganda ang nangyayari sa democratic party dahil nagtitiwala ang mga tao sa pamumuno ni US pres. Joe Biden.
Maganda ang implikasyon nito aniya sa susunod na US Presidential election dahil malaking tulong nito sa re election ni Biden dahil ngayon pa lang ay nakikita na ang suporta sa kanya ng mga tao.
Ito ay taliwas naman sa mga kaganapan sa kampo ni dating US president Donald Trump.