Hinamon ngayon ng ilang grupo ang Pangulong Rodrigo Duterte na gumawa ng hakbang upang mabigyang diin ang paratang nito sa isang pres’l candidate na di umano’y gumagamit ng cocaine.
Nabatid mula kay Atty. Virginia Lacsa Suarez, Sec. General ng grupong Kilusan Para sa Pambansang Demokrasya, kung magiging isang simpleng alegasyon lamang ang maririnig mula sa kaniya at wala siyang gagawing hakbang, patunay lamang ito na hindi siya seryoso sa kaniyang anti-drugs campaign.
Bukod pa riyan, dahil aniya sa nalalapit na ang eleksyon, hindi na bago ang mga ganitong personal attacks na lalaganap.
Giit ni Suarez na ang patuloy na pagtutok ng International Criminal Court o ICC sa kaso ni Pangulong Rodrigo Duterte ay maituturing bilang malaking tagumpay para sa taombayan upang magkaraoon ng katarungan ang napakaraming namatay sa kaniyang panunungkulan.
Nakakagalit lamang ayon sa opisyal na marinig mula sa ating Pangulo na wala siyang balak harapin ang ICC. Indikasyon lamang aniya ito ng kawalan ng respeto ni Duterte sa isang International Law sa isang International Court ngunit ang malinaw dito, may kaso na ang ating Pangulo.
Ngayon pa lamang ayon kay Suarez, nakikita na ang matinding paninira ng mga tumatakbo sa kalaban nila kayat palagay nito na tila gaya din lamang dati na nasa kultura ng maruming eleksyon ang pagagamit ng pera ang mangayari sa 2022 elections.