Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi lamang sa depensa at seguridad ang alyansa ng Pilipinas at Amerika kundi lumalawak ito ngayon sa kalakalan, pamumuhunan, enerhiya, teknolohiya, supply chains at edukasyon na direktang makatutulong sa kabuhayan ng mamamayan.

Inihayag din ng pangulong Marcos Jr., na malaking oportunidad para sa bansa na makipagtulungan sa US na siyang nangunguna ngayon sa innovation at technology.

Ipinagdiriwang ngayong taon ang 80 taon ng ugnayan ng Pilipinas at Amerika at 75 taon Mutual Defense Treaty (MDT).

--Ads--

Patuloy na pinapalakas ng dalawang bansa ang kanilang pagtutulungan sa depensa, seguridad, pagtulong sa panahon ng kalamidad, kalakalan, enerhiya, agham at teknolohiya para sa kapayapaan at kaunlaran.

Samantala, pinagtibay ni US President Donald Trump ang matibay na alyansa ng US at Pilipinas, kasabay ng pangakong palalawakin ang pagtutulungan sa enerhiya, ekonomiya at depensa.

Ginawa ni Trump ang pahayag sa kaniyang pagbisita sa Malakanyang ngayong araw ng Miyerkules, Novermber 18,2026.