Nakarating na kahapon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Jakarta, Indonesia upang daluhan ang inauguration ni Indonesian President-elect Prabowo Subianto at Vice President-elect Gibran Rakabuming Raka ngayon araw.
Batay sa kumpirmasyonn ni Presidential Communications Office Acting Secretary Cesar Chavez, higit 30 state leaders at representante ang kasama ni Pangulong Marcos Jr. Kabilang na rito si First Lady Liza Araneta-Marcos.
Ayon naman sa pag-uusap nina Marcos at Prabowo, isang magandang pahiwatig para sa Pilipinas at Indonesia na pinili ang Maynila bilang isa sa mga binibisita ng ibang bansa bilang nahalal na state leader.
Idiniin naman ni Prabowo ang malapit na relasyon ng Pilipinas at Indonesia.
Naka-highlight naman sa pagbisita ni Pangulong Marcos sa Indonesia ang malakas na relasyong diplomatiko ng dalawang bansa habang minarkahan ang 75 taon ng pormal na relasyon.