DAGUPAN CITY- Buong hindi sinasang-ayunan ni ex-Rep. France Castro na walang kinalaman o hindi sangkot si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lumalalang kurapsyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Castro, dating ACT-Teachers Representative, matagal na nilang ipinawagan ang pagkakadawit ng Malacañang Executives sa maanumalyang flood control projects.
Aniya, ito ay sa kadahilanang si Pangulong Marcos ang pumirma ng 2025 National Budget at nagveto sa ilang items.
At sa naturang budget, may mga insertions na natukoy bilang mga ghost projects sa flood control.
Aniya, malinaw naman sa mga naratibo ni ex-Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co ang mga naturang insertions.
Pinaniniwalaan niyang may nilalaman ang mga sinasabi nito dahil naging sunod-sunod ang pagbaba ng mga malalapit na opisyal ng Malacañang.
Pinatunayan din ni Former public works undersecretary Roberto Bernardo ang mga kick backs.
Ang presidente lang din aniya ang nakakausap ng Department of Budget and Management (DBM) hinggil sa budget ng bansa.
Para mapatunayan ni Sen. Lacson ang paniniwala nitong hindi sangkot ang pangulo, dapat aniya paharapin din sa pagdinig sina Former DBM Sec. Amenah Pangandaman, Presidential Legislative Liaison Office Undersecretary Adrian Carlos Bersamin at ilan pang mga opisyal.
Sa pamamagitan nito, masusubok ang pagiging totoo ng mga sinasabi ni Bernardo sa kaniyang affidavit.
Pinahalagahan din ni Castro ang mas malalim na imbestigasyon at hindi pagiging ‘selective’ nito upang matukoy pa ang mga tunay na sangkot.
Dagdag pa ni Castro, ‘wag mag malinis si Vice President Sara Duterte hinggil sa kurapsyon dahil nagsimula ang lahat sa hindi pa nasasagot na confidential & intelligence funds nito.










