Tiyak at naniniwala si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na malapit na magwakas ang gyera sa pagitan ng kanilang bansa at Russia kapag si US President-elect Donald Trump na ang maupong presidente ng Estados Unidos.
Nagkaroon umano ang dalawa ng “constructive exchange” sa kanilang phone call matapos ang pagkapanalo ni Trump sa US presidential election.
Hindi man isinapubliko ang kung nagkaroon ng demand si Trump sa kanilang pag-uusap, gayunpaman, sinabi ni Zelensky na wala siyang narinig kay Trump na taliwas sa Ukraine.
--Ads--
Sinasabi lamang ni Trump na ang kanyang prayoridad ay tapusin ang digmaan at itigil ang sinasabi niyang pag-aaksaya ng mga mapagkukunan ng US, sa anyo ng tulong militar sa Ukraine.