Nakakapangamba.

Ito ang naging reaksyon ng Presidente ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide o PISTON na si Mody Floranda hinggil sa roll back ng presyong petrolyo.

Nakakapagduda umano ito dahil sunud-sunod ang naging pagtaas ng presyo ng naturang produkto noong mga nakaraang linggo kaya’t kinuwestyon nito ang biglaang pagbaba naman ngayon.

--Ads--

Bagaman isa itong magandang balita hindi lamang aniya sa hanay ng mga drayber at operator kundi pati na rin sa mga komyuter, hindi pa rin naman aniya dama dahil wala pa rin namang pagbaba sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Saad pa nito na kahit ano pa ang paggalaw sa presyuhan ng naturang produkto ay magkakaroon at magkakaroon pa rin aniya ito ng pagtaas.

Ayon pa kay Floranda na ang mga oil companies na lamang umano ang nagtatakda ng kanilang presyo sa petrolyo at kahit pa magkaroon aniya ng roll back ay hindi naman agad agad na mararanasan ito sa mga susunod na araw.

TINIG NI MODY FLORANDA