Kailangan malaman ang totoong sitwasyon para malaman ang tamang lunas na ilalapat.

Ito ay kaugnay sa problemang kinkaharap ng bansa kung saan nasa mahigit 300,000 mga manggagawa ang posibleng mawalan ng trabaho dahil sa online selling.

Ayon kay Josua Mata Secretary general, SENTRO dahil sa pagdami ng mga influencers at nagbebenta online apektado na ang manufacturing workers sa bansa.

--Ads--

Aniya ay hindi makatutulong sa bansa kung masisira ang industriyang ito.

Dapat ay makapaglatag ang gobyerno ng pangmatagalang solusyon para dito at hindi dapat parang sugat na lalagyan lamang ng bandaid kung hindi naman alam kung saan nanggagaling ay hindi ito magiging sapat.

Binigyang diin din nito na malaki ang epekto ng mataas na presyo ng kuryente kaya mataas din ang cost of production.

Isa ito sa malaking problemang kinakaharap ng bansa lalo na at walang plano ang gobyerno na nagtutulak ng industralization maging public employment program ay wala din.

Gayunpaman, sa kabila ng mga problemang kinakaharap ng bansa aniya ay siguraduhin na magkaroon parin ng pagkakataon na magsasama-sama at magselebra ng kasiyahan at pagmamahalan ngayong pasko.